Pagtaas ng allowances ng mga guro sa P5,000, pinuri ng DepEd

Pinuri ng Department of Education (DepEd) si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Kongreso dahil ang budget para sa teaching at connectivity allowances ay itinaas sa ₱5,000 para tulungan ang mga public school teachers at mga estudyante.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang dagdag allowance para sa mga guro simula sa susunod na taon ay tagumpay para sa pagpapatuloy ng distance learning.

Nagpapasalamat sila sa Pangulo, sa mga senador at mga kongresista sa pagsuporta sa kanilang hiling.


Makatutulong aniya ito para sa sektor ng edukasyon at sa mga guro ngayong panahon ng krisis.

Naniniwala rin si Briones na magagawa rin ng mga mambabatas na suportahan ang mga inisyatibo ng DepEd lalo na sa kapakanan ng mga guro at mga mag-aaral at sa pagpapahusay ng sistema ng edukasyon sa bansa.

Sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act na nilagdaan na ni Pangulong Duterte, itinaas ang budget allocation ng DepEd para sa teaching supplies at communication allowances para sa mga guro mula sa dating ₱3,500.

Facebook Comments