Pagtaas ng ani ng palay ng bansa ngayong taon – ip inagmalaki ng Department of Agriculture; supply ng bigas – tiniyak

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Department of Agriculture na
asahan naang maraming ani ng palay sa Pilipinas ngayong taon.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol – ito ay batay na rin sa kanyang
“visual appreciation” sa pagbisita nito sa mga sakahan sa iba’t ibang
lalawigan.

Kumpiyansa ang kalihim na magiging mataas ang porsyento ng ani ng palay
partikular sa Central Mindanao, Iloilo, Aklan, Antique, Capiz, Quezon at
Bicol.


Samantala, tiniyak rin ni Piñol na sapat ang suplay ng karne ng manok at
baka.

Ito ay sa kabila ng ipinatutupad ngayong ban sa pag-aangkat ng mga manok
mula sa mga bansang tinamaan ng bird flu.

Nanindigan din ito na magpapatuloy ang pag-ban sa pag-iimport ng manok para
na rin sa kaligtasan at kapakanan ng poultry industry sa bansa.

Facebook Comments