Natuwa si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Guillermo Eleazar sa pagtaas ng trust rating ng PNP sa survey ng Publicus Asia Inc., na ginawa mula October 11 hanggang 18.
Batay sa survey nagkaroon ng 5 puntong pagtaas ang high trust rating ng PNP na umabot sa 35.2; habang bumaba ng 8 punto ang low trust rating na nasa 26.8.
Sa ulat ng Publicus, ito ang pangalawang sunod na quarter na tumaas ang trust rating ng PNP.
Ayon kay PNP chief, resulta ito ng pagtutulungan, pagsisikap at sakripisyo ng lahat ng tauhan ng PNP para maibalik and tiwala at respeto ng mga mamayan sa mga pulis.
Nagpasalamat naman si Eleazar sa lahat ng miyembro ng PNP sa kanilang suporta at pakikiisa sa mga pagbabagong ipinatupad niya sa PNP para mapahusay ang pagseserbisyo sa taumbayan.
Tiniyak ni Eleazar sa publiko na magpapatuloy sila, hindi lamang sa paniniguro ng kaayusan sa paligid, kung hindi pati na rin sa pagtulong sa mga nangangailangan.