Inaasahan na ng gobyerno ang mataas na bagong kaso ng COVID-19 na naitala nitong Agosto.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sang-ayon ang naitalang kaso sa projection ng pamahalaan.
Ito ay kahit isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila na ibinaba na ngayon sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ang projection ng gobyerno ay naglalaro sa 20,000 hanggang 37,500 lalo’t malaki ang naging epekto ng local transmission ng Delta variant.
Inaasahan naman ni Roque na posibleng manatili pa sa mahigit 100,000 ang aktibong kaso sa bansa.
Facebook Comments