
Nagpahayag ng pasasalamat ang Philippine National Police (PNP) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa patuloy na tiwala nya sa mga men and women in uniform.
Ito ay matapos ianunsyo ng pangulo ang pagtaas ng base pay at daily subsistence allowance ng mga Military and Uniformed Personnel sa mga susunod na taon.
Ayon kay acting PNP Chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. , ang nasabing mensahe ng pangulo ay nagbigay motibasyon sa mga personnel na patuloy na naglilingkod para sa seguridad ng komunidad.
Tiniyak naman PNP na patuloy silang kikilos sa kanilang mandato ng propesyunal at may respeto sa karapatan ng mamamayan.
Kaugnay nito, nauna na ring nagpahayag ng pasasalamat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nasabing anunsyo ng kanilang Commander-in-Chief.









