Pagtaas ng bayad sa passport renewal ng OFWs, binatikos ng isang senador

Binatikos ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang pagtaas sa bayad para sa passport renewal na ipinapatupad sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Middle East, Europe, Asia, at Estados Unidos.

Sabi ni Pangilinan, bunga ito ng desisyon ng mga embahada at konsulado natin sa mga nasabing bansa na gumamit nang mga outsourcing company para magproseso ng passport renewal.

Binanggit ni Pangilinan na ang nabanggit na hakbang ay nagpataas sa halaga ng passport renewal sa P5,300 mula sa dating P4,900.


Punto ni Pangilinan, baka mas mainam na magdagdag na lang ng mga tauhan ng embahada at konsulado sa mga nasabing bansa para mag-aasikaso ng passport renewals sa halip na kumuha pa ng ibang kompanya.

Giit ni Pangilinan, ito ay malinaw na dagdag gastos sa mga nahihirapang OFWs sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments