Pagtaas ng bilang ng emergency prank calls na natatanggap ng PNP, pinaaksyunan ni PBBM

Nais paigtingin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang hakbang ng Philippine National Police (PNP) para matugunan ang tumataas na insidente ng emergency prank calls.

Sa gitna ito ng target ng pamahalaan na pabilisin ang police response nang hindi lalagpas ng limang minuto sa ilalim ng programang “Cops on the Beat.”

Ayon kay Pangulong Marcos, nahahaluan ng panloloko ang natatanggap na tawag ng pulisya kung saan 70% ng tawag ay pawang prank call.

Dahil dito, nais ng Pangulo na gumamit na lamang ng iisang hotline at gawing centralize ang pagpapahatid o paghingi ng responde sa mga pulis.

Giit ng Pangulo, dapat na maaksyunan ito kaagad para makaresponde nang maayos ang mga kapulisan at maramdaman ng publiko na may handang tumulong sa mga lansangan anumang oras.

Facebook Comments