Pagtaas ng bilang ng healthcare workers na nag-po-positibo sa COVID-19, ini-imbestigahan na ng DOH

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na iniimbistigahan na rin nila ang pagtaas ng bilang ng mga healthworkers na nagpopositibo sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Mari Rosario Vergeire kabilang sa kanilang inaalam ay kung nasusunod ba ang protocol para sa infection control sa mga health facilities.

TINIYAK NAMAN ni Vergeire na ginagawa ng DOH ang lahat ng paraan para maprotektahan ang health frontliners.


una nang naglabas ang DOH ng guidelines sa tamang paggamit ng PPEs.

Sa datos ng DOH, umabot na sa mahigit isang libong health care workers ang nag positibo sa COVID-19 at malaking bilang nito ay mga duktor at nurses.

Facebook Comments