Pagtaas ng bilang ng mga Chinese students sa Cagayan, maaaring dulot ng post-pandemic rebound at pagpapalakas ng educational tourism ng bansa

Post-pandemic rebound at pagpapalakas ng educational tourism ng bansa ang itinuturong dahilan sa pagtaas ng bilang ng mga Chinese students sa Cagayan.

Ayon kay Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco, posibleng maiugnay ang pagdami ng Chinese students sa post-pandemic rebound.

Dagdag pa ni Tansingco, ito rin ay dahil sa aggressive marketing ng mga paaralan at ahensya ng gobyerno upang palakasin ang educational tourism ng bansa.


Saad niya ay aktibong itinataguyod ng pamahalaan ang bansa bilang sentro ng edukasyon sa Asya.

Kaya naman sa kabila ng mga pagkabahalang umuusbong sa sektor ng seguridad, umaasa siyang hindi mapipigilan ng imbestigasyon ang mga lehitimong foreign students na magpatuloy sa pag-aaral sa Pilipinas.

Facebook Comments