Pagtaas ng bilang ng mga enrollee sa mga pampublikong paaralan, inaasahan ng Malakanyang

Tiwala ang Malakanyang na hindi bababa ang bilang ng mga enrollee sa mga pampublikong paaralan para sa nalalapit na school year 2021-2022.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, malaki ang gampanin ng mga magulang upang maging tuluy-tuloy ang edukasyon ng kanilang mga anak.

Batay sa datos simula kahapon, Agosto 16, ay maaari nang mag-enroll ang mga estudyante ng mga pampublikong paaralan para sa paparating na school year.


Asahan namang remote enrollment pa rin ang isasagawa ng mga paaralan sa mga lugar na ipinapatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) alinsunod sa ordinansa ng DepEd.

Facebook Comments