Asahan na ang pagtaas na bilang ng mga maitatalang insidente ng pandurukot at iba pang krimen sa mga isinagawang political rallies sa Metro Manila.
Ito ang inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kasunod ng pagsisimula kahapon ng campaign period para sa mga lokal na posisyon.
Ayon kay NCRPO Public Information Chief Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson, maraming ipinakalat na mga kapulisan sa Metro Manila upang masugpo ang mga krimen at upang magkaroon ng maayos at matiwasay na pagsasagawa ng mga aktibidad sa pangangampanya.
Mayroon din aniyang mga pulis na naka-deploy sa bisinidad ng isang campaign sortie nang sa ganon ay maiwasan ang pagkakaroon ng traffic congestion.
Nabatid nasa 4,000 pulis ang idineploy sa buong Kalakhang Maynila para sa pagsiguro ng maayos na kampanya.
Matatandaan, may mga naiulat na pagkawala ng mga gamit tulad ng cellphone at wallet sa ilang mga dumalo sa campaign rallies ng mga kandidato sa national positions.