Manila, Philippines – Nababahala ang Department of Education sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kabataang nabibiktima ng pang-aabuso.
Sa tala ng ahensya, tatlong insidente ang kanilang ikinabahala kabilang dito ang 12-anyos na estudyante na hinalay ng kanyang limang ka-eskwela sa barangay Maysilo, Malabon.
Isang grade 10 student naman ang ginahasa ng limang menor de edad sa Sta. Maria, Bulacan at isang 11-taong gulang na estudyante na ni-rape ng apat na kaklase sa bayan ng Ajuy, Iloilo.
Ayon kay DepEd Undersecretary Jesus Mateo – ang mga ganitong insidente ay agad na isinasangguni sa mga pulis para agad na maimbestigahan.
Giit pa ni Mateo – ang kaligatasan ng mga kabataan ay hindi lamang tungkulin ng kanilang pamilya kundi pati na rin ng paaralan, gobyerno at maging ng buong komunidad na kinabibilangan nila.
Samantala, handa naman anyang makipagtulungan ang mga school division offices para sa pangangalap ng mga impormasyon at pagre-report ng mga kaso ng rape at anumang mga pang-aabuso sa mga kabataan para masiguro na mananagot sa batas ang mga suspek na sangkot sa ganitong uri ng krimen.
Facebook Comments