Pagtaas ng bilang ng mga nagsasabi na maganda ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan, welcome sa Malacañang

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang resulta ng survey ng Social Weather Station o SWS nagsaasbi na tumaas ang bilang ng mga Pilipino na nagsaabi na mas gumanda ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan.

Base kasi sa resulta ng Survey ng SWS na ginawa noong Desyembre noong nakaraang taon ay lumalabas na 37% ng ating mga kababayn ang nagsasabi na gumanda ang kanilang buhay kung ikukumpara sa kaparehong survey noong Setyembre noong 2018 kung saan ay lumabas na 28% lamang ang nagsabi na gumanda ang kanilang buhay.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ang resulta ng survey na ito ng SWS ay umaayon sa survey kung saan bumaba ang bilang ng mga nagugutom na mga Pilipino at pagbaba ng bilang ng mga pamilyang Pilipino na sinasabing sila ay mahirap.


Kaya naman hindi aniya nakagugulat na talagang nakukuha ni Pangulong Duterte ang loob ng ating mga kababayan.
Tiniyak din naman ni Panelo na hindi hihinto ang Malacañang sa pagsisikap na pagandahin ang buhay ng mga Pilipino.

Facebook Comments