Pagtaas ng bilang ng mga Pinoy sa abroad na gumagaling sa COVID-19, consistent

34

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na consistent sa nakalipas na tatlong linggo ang pagtaas ng bilang ng Overseas Filipinos na gumagaling sa COVID-19.

Ayon sa DFA, mas mataas ang naitatala nilang bilang ng recoveries kumpara sa mga bagong kaso.


Wala na rin anilang naitatalang bagong kaso ng infection sa hanay ng mga Pinoy sa Europe at Amerika.

Ang mga bagong kaso naman na naitatala ay mula sa Middle East at Asia and the Pacific.

Facebook Comments