Pagtaas ng bilang ng mga positibo sa COVID-19, bumagal sa loob ng 3 araw; COVID-19 cases, 230 na ngayong araw

Nakapagtala pa ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 13 bagong COVID-19 cases sa bansa.

Bunga nito, umaabot na sa 230 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa nakalipas naman na tatlong araw ay bahagya ang naging pagtaas ng bilang ng mga nagpo-positibo sa virus.


Gayunman, isa pang pasyente na may COVID-19 ang binawian ng buhay.

Siya ay si patient number 124 at 65 years old na lalaking Pinoy mula sa Quezon City at may travel history sa Singapore.

Bunga nito, umaabot na sa 18 ang nasawi sa COVID-19 sa bansa.

Nananatili naman sa walo ang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa nasabing virus.

Facebook Comments