Pagtaas ng bilang ng teenage pregnancy sa gitna ng COVID-19, ibinabala ni Senator Gatchalian

Ibinabala ni Committee on Basic Education Chairman Senador Sherwin Gatchalian na maaaring umakyat ang mga kaso ng teenage pregnancy o maagang pagbubuntis sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Gatchalian, kung susuriin ang mga nagdaang kalamidad at sakuna sa Pilipinas at ibang bansa, ay isa sa mga nakikitang epekto ng mga ito ang pagtaas ng kaso ng maagang pagbubuntis.

Dahil dito, pinapakilos ni Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan at kinauukulang ahensya para paigtingin ang pagpapatupad ng kanilang mga programang pang-kalusugan at tutukan ang pagpigil sa maagang pagbubuntis.


Tinukoy rin ni Gatchalian na ang pagpapatatag sa comprehensive sexuality education para sa mga mag-aaral ay isang mahalagang hakbang upang labanan ang maagang pagbubuntis.

Binigyang-diin ni Gatchalian na kailangang mapigilan ang maagang pagbubuntis upang hindi mapagkaitan ang ating mga kabataan ng magandang kinabukasan.

Facebook Comments