Nababahala na ang Department of Health (DOH) dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Delta variant sa Bicol region.
Kasunod ito ng pagkakatala ng 28 COVID-19 variants of concern (VOC) sa Bicol kung saan; 19 ang Delta variant, 5 Beta variant, at 4 ang Alpha variant.
Naitala ito sa lalawigan ng Camarines Sur, Albay, Masbate, Catanduanes, Sorsogon, at Camarines Norte.
Paliwanag naman ni Dr. Ernie Vera, Regional Director ng DOH, maliban sa VOC ay nakakaranas na rin ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 ang lalawigan.
Average ito ng 300 case kada araw.
Sa ngayon, punuan na rin ang tatlong malalaking COVID-19 referral hospitals sa Bicol kabilang ang; Bicol Regional Teaching and Training Hospital (BRTTH) sa Legazpi City, Bicol Medical Center (BMC) sa Naga City at ang Cabusao Sanitarium sa Camarines Sur.