Pagtaas ng buwis sa mga pribadong paaralan, sinuspinde ng BIR

Sinuspinde ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang regulasyong pending sa Kongreso na naglalayong taasan ang buwis ng mga nonprofit na pribadong paaralan.

Ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay, layon nitong mabawasan ang bigat ng taxation sa mga pagmamay-ari ng mga pang-edukasyon na institusyon lalo na ngayon panahon ng pandemya.

Sa ilalim ng RR 5-2021 na nilagdaan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III nitong Hulyo 27, sinuspinde nito ang pagtaas ng buwis na aabot sa 25% at mananatili na lamang sa 1%.


Facebook Comments