Pagtaas ng Cash prize sa Panagbenga Festival ,abangan!

Baguio,Philippines-Mas malalaking cash prize para sa mga paaralan at iba pang stake holders na sasali para sa mga major events ngayong Panagbenga Festival, asahan.

Ang mananalo sa big float category ay makakatanggap ng limang daang libong piso samantala ang mag uuwi naman ng tatlong daang libong piso ang mananalo sa ikalawang pwesto at dalawang daang libong piso para sa ikatlong pwesto. Para naman sa small float category ang mananalo ay mag uuwi ng tatlong daang libong piso at ang mananalo sa ikalawang pwesto ay mananalo ng dalawang daang libong piso at ang mananalo sa huling pwesto ay tatanggap ng isang daang libong piso.

Ayon naman kay Freddie Alquiros ng Baguio Flower Festival Foundation ay mabibigyan ng anim na pu’t libong pisong subsidiya ang bawat elementary school na lalahok sa street dancing parade idadagdag ito sa apat napu’t libong piso na matatanggap mula sa lokal na gobyerno.


Facebook Comments