Inaasahang tataas pa ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa darating na mga linggo.
Ayon kay Health Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman, bagama’t nagkakaroon ng pagbaba ng naitatalang kaso, posible pa rin itong pumalo muli pataas habang isinasagawa sa ngayon ang case finding at contact tracing.
Aniya, mahirap din kasing matukoy kung kailan mismong lolobo ang kaso ng COVID-19 dahil sa nagbabago ito linggo-linggo.
Naunang sinabi ng DOH na aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong linggo bago makita ang naging epekto ng ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong Agosto 20.
Facebook Comments