Nanindigan ang Malacañang na hindi kasalanan ng gobyerno ang pagtaas ng COVID-19 infections sa bansa.
Ito ang tugon ng Palasyo matapos mag-trending ang #DutertePalpak sa gitna ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 nitong mga nagdaang araw.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang surge ng kaso ay bunga ng mga bagong variants na pumasok sa bansa.
Iginiit ni Roque na hindi nagpabaya ang pamahalaan sa COVID-19 response.
Nagawa ng pamahalaan na mapabagal ang pagkalat ng virus lalo na ang pagpapababa ng bilang ng mga namamatay.
Una nang sinabi ni Roque na kailangang palakasin pa ang contact tracing efforts para agad na matukoy ang mga mayroong sakit.
Facebook Comments