Naniniwala ang isang infectious disease expert na hindi ang Omicron subvariant XBB.1.16 o mas kilala bilang Arcturus ang nasa likod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ng miyembro ng DOH Technical Advisory Group for Infectious Disease Dr. Edsel Salvana, isa lamang ang naitatalang kaso ng Arcturus sa bansa at sa katunayan ito ay gumaling na at wala namang pinakitang sintomas.
Bagama’t naobserbahan ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa mga bansang may Arcturus subvariant, walang patunay na ito ay nagdudulot ng mas malalang sakit.
Dagdag pa ni Salvana, nananatiling mabisa ang mga available na COVID-19 vaccines laban sa Arcturus at malabong ma-overwhelm ang health care system ng bansa dahil dito.
Facebook Comments