Pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa, hindi maituturing na second wave – WHO

Hindi pa maituturing na second wave ang nararanasang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, tumataas ang kaso dahil hindi nakumpleto ang pagpatag ang pandemic curve.

Dagdag pa ni Abeyasinghe, ang naitatalang 3,000 kaso kada araw ay mababa kumpara sa 6,000 kaso na naitala sa kasagsagan ng transmission noong nakaraang taon.


Muling ipinaalala ng WHO official na dapat sundin ang public health measures at mahigpit na ipatupad ang early detection, quarantine at isolation ng mga kaso.

Facebook Comments