Pagtaas ng COVID-19 cases sa ilang probinsya sa bansa, hindi galing sa NCR Plus

Naniniwala ang Malacañang na hindi galing sa NCR Plus ang mga nagdala ng COVID-19 sa ilang probinsya sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, matagal nang ipinatupad ang travel bubble na nangangahulugang hindi maaaring makatawid ang mula sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal patungo sa iba pang lugar sa bansa maliban na lamang kung ito ay Authorized Person Outside Residence (APOR).

Sinabi ng kalihim na malaki ang tiyansang dumami ang community transmission sa ilang lalawigan lalo na ngayong marami ng COVID-19 variants ang nandito sa bansa.


Sa pinakahuling datos, bumababa na ang naitatalang COVID-19 cases sa NCR Plus pero nagkakaroon ng surge sa Puerto Princesa sa Palawan, Cagayan de Oro, Zamboanga, Iloilo at ilan pang lalawigan sa bansa.

Facebook Comments