Pagtaas ng COVID cases, hindi lamang dahil sa bagong variants – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang pagsipa ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ay hindi lamang dahil sa presensya ng variants ng bansa.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay nakapagtala na ng mga kaso ng South African at United Kingdom variants ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahalaga pa rin na nasusunod sa health protocols.


Dagdag pa ni Vergeire, pinalawak at mas pinaigting na rin ang genome sequencing.

Dapat aniya maintindihan ng publiko na mayroong turnaround time sa pagitan ng testing, sequencing at paglalabas ng resulta nito.

Facebook Comments