Nagbabala si OCTA Research Fellow Dr. Guido David na huwag dapat magpabaya ang publiko lalo na at unstable pa rin ang downward trend ng COVID-19 cases sa Metro Manila.
Batay sa monitoring report ng OCTA, nasa 5-porsyento ang pagtaas ng average daily COVID-19 cases sa Metro Manila nitong mga nakaraang linggo.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, nagkakaroon ng pagtaas ng kaso sa ilang local government units (LGUs) dahil sa spreader events, social gathering, o outdoor events kung saan nababalewala ang health protocols.
Makokontrol naman agad ito kung ipapatupad agad ang contact tracing at testing sa lugar, na sasabayan ng localized lockdowns.
Bagamat ang bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay hindi nakakabahala, umaasa si David na patuloy na bababa ang mga kaso.