Nilinaw ng OCTA Research Group na hindi pa maituturing na indikasyon ng surge ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ay matapos maitala ang 690 na kaso kahapon na siyang pinakamataas sa loob ng isang buwan.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, bagama’t hindi sila naalarma sa pagtaas ng kaso, patuloy nilang binabantayan ang mga numero na may kaugnayan sa COVID-19.
Aniya, posibleng ang pagtaas ng kaso ay bunsod ng mga backlog noong mga nakalipas araw.
Gayundin ang mas maluwag na restriksyon at hindi na pagsunod ng mga tao sa health protocols gaya ng hindi pagsusuot ng face mask.
Facebook Comments