Hindi pa man naipapasa ang Corporate Income Tax and Incentive Rationalization Bill o CITIRA bill, may hatid na itongg epekto sa oportunidad sa trabaho.
Ito ang ipinahayag ng Unions-Trade Union Congress of the Philippines.
Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, ngayon pa lamang ay nakatatanggap na sila ng report na may mga business owners ang nagbawas na ng mga manggagawa o kaya naman ay nagsara na bago pa man maging ganap na batas ang CITIRA bill.
Dahil sa pangambang ito, wala nang bagong mga pabrika na nagbubukas sa bansa.
Mas ninanais na ng mga mamumuhunan na ilipat sa ibang bansa sa Asya ang kanilang pagnenegosyo.
Kabilang din sa nagpapahina sa pamumuhunan ay ang mataas na bayarin sa elektrisidad traffic congestion at ang bureaucractic red tape.