Pagtaas ng death toll ng COVID-19 cases sa Africa, ibinabala ng WHO

Posibleng pumalo sa halos 200,000 katao sa Africa ang posibleng mamatay dahil sa COVID-19.

Ito ang pinangangambahan ng World Health Organization (WHO) kung hindi magtatagumpay ang mga hakbang ng pamahalaan laban dito.

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng WHO, gamit ang prediction modelling sa 47 mga bansa sa naturang kontinente, aabot sa 40-milyong indibidwal ang posibleng tamaan ng Coronavirus.


Ang mahinang health infrastructure and system ang isa sa mga pangunahing tinitignang dahil ng patuloy na paglala ng outbreak.

Facebook Comments