PAGTAAS NG DOBLE SA PRESYO SA MGA PRODUKTONG PETROLYO, IDINADAING NG MGA MOTORISTA AT MGA TRICY DRIVERS SA DAGUPAN CITY

Idinadaing ngayon ng mga motorista at ilang tricycle drivers sa Dagupan City ang tila halos dobleng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na naipatupad sa unang araw ng buwan ng Agosto at inaasahang magtatagal ng hanggang sa mga susunod pang mga linggo.
Ang produktong Gasoline, naglalaro sa P1.90 hanggang P2.10 kada litro ang tinaas nito habang ang produktong Diesel naman ay magkakaroon ng umento ng P3.20 hanggang P3.50 ang kada litro, at sa produktong Kerosene, nasa P2.90 hanggang P3.20 ang taas din ng kada litro nito.
Para sa mga tricycle drivers, pasakit muli umano ito para sa kanila lalo na at kagagaling lamang nila sa pahirapang sitwasyon dahil sa pagbaha sa syudad, habang ang iba ay pabalik pa lang sa pamamasada at iba rin ay nakagastos na dahil sa kanilang mga apektadong pyesa, sumabay naman daw umano ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang ibang mga motorista, naswertehan at nauna nang nagpafull tank umano bago pa ianunsyo ang pagtaas nito. Bagamat aminado ang mga tricy drivers na magkakaroon talaga ng pagtaas sa presyo, ang hindi umano nila inaasahan ay ang medyo sobrang taas na dagdag singil, dagdag pa nila ay baka matagalan naman sa rollback.
Samantala, isang salik umano kung bakit nananatiling unstable ang galaw ng presyuhan ng petroleum products sa international market at isa ring nakikitang dahilan umano ang pagbawas ng malaking produksiyon nito sa bansang Saudi.|ifmnews
Facebook Comments