Manila, Philippines – Ikinatuwa sa Palasyo ng Malacañang ang balita ng National Economic Development Authority o NEDA na tumaas ng 6.5% ang Gross Domestic Product o GDP ng Pilipinas para sa ikalawang bahagi o 2nd quarter ngayong taon.
Sinabi kasi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na dahil sa mataas na GDP, ang Pilipinas ngayon ay nakalinya na sa mga bansang pinaka mabilis ang paglago ng ekonomiya sa Asya.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang paglago ng Pilipinas ay sumasangayon sa mga plano ng pamahalaan at ipagpapatuloy aniya ito para mapanatili ang paglago ng ekonomiya hanggang matapos ang taon.
Ito aniya ang isa sa pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan para matiyak na magkakaroon ng maayos na pamumuhay ang mga Pilipino at gagawin ito sa pamamagitan ng investments sa imprastraktura at social protection.