Balewala ang mataas na gross domestic product (GDP) growth rate sa bansa kung hindi naman ito matutumbasan ng pagtaas ng sahod ng mga manggagawa.
Kaugnay na rin ito ng pagtaas ng GDP growth rate sa 8.3% para sa unang quarter ng taon.
Tinawag ng Gabriela Partylist na artificial at walang kahulugan ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa kung hindi naman ito matutumbasan ng pagtaas sa sweldo.
Iginiit ng grupo na pangunahin lamang ang pagunlad sa pribadong pangungunsumo at election spending na sinabayan ng pagluwag sa restrictions.
Ang ganito umanong pag-angat ay walang malaking kabuluhan para sa mga manggagawa na matagal na pinagkaitan ng nararapat na dagdag-sahod.
Facebook Comments