Pagtaas ng inflation rate, pinaniniwalaang tataas pa sa mga susunod na buwan

Pinangangambahan ng MAKABAYAN Bloc sa Kamara na magsisimulang sumipa muli ang inflation rate ng bansa ngayong tapos na ang panahon ng eleksyon.

 

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, hindi na kayang pagtakpan ng administrasyong Duterte ang tunay na lagay ng ekonomiya.

 

Hindi na rin aniya maidadaan sa pagpapapogi ang pagtaas ng inflation kaya kailangan nang ibasura ang Tax Reform o TRAIN Law.


 

Duda na aniya sila sa pagbaba ng inflation rate noong mga nakaraang buwan na layong palakasin lamang ang mga administration bets para masiguro ang pagkapanalo ng mga ito sa eleksyon.

 

Nangako naman ang Makabayan na sa pagpasok ng 18th Congress ay ipagpapatuloy nila ang isinusulong na pagbawi sa Train Law at pagkakaroon ng 750 pesos na national minimum wage.

Facebook Comments