Pagtaas ng kaso ng child sex abuse sa online, pinapa-imbestigahan ni Sen. Imee Marcos

Pinaiimbestigahan ni Senador Imee Marcos ang nakaaalarmang pagtaas ng kaso ng child sex abuse sa online mula nang ipatupad ang mga lockdown kontra sa pagkalat ng COVID-19 pandemic.

Sa inihaing Senate Resolution 487 ay tinukoy ni Marcos ang report ng Department of Justice (DOJ) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nag-triple ang mga kaso ng online child pornography mula Marso hanggang Mayo kumpara noong nakaraang taon.

Bananggit din ni Marcos ang report ng United Nations Children’s Fund o UNICEF na ang Pilipinas ang sinasabing “global epicenter of the live-stream sex abuse trade” at ang nangungunang pinanggagalingan ng child pornography.


Dismayado si Marcos dahil napapabayaan ng mga telecommunication companies at Internet Service Providers (ISPs) ang kanilang obligasyon sa ilalim ng batas na protektahan ang mga bata kontra sa mga pag-abusong sekswal gamit ang internet.

Facebook Comments