Posibleng tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa 14 na araw o 2 linggo pagkaraan ng May 9 elections.
Sa Laging handa public press briefing sinabi ni Dr. Rontgene Solante, isang Infectious Disease Expert na ito ay dahil sa napakaraming naganap na super spreader events.
Kasama na dito ang campaign sorties at ang mismong araw ng halalan kung saan wala nang social distancing sa haba ng pila sa mga polling precincts at ang iba ay hindi nakasuot ng tama ng face mask.
Sa ngayon ani Solante ay mayruon ng mga pasyenteng tinamaan ng Covid 19 pero ang kagandahan nito, mild lamang ang kanilang sintomas.
Kasunod nito, muling ipinanawagan ni Dr. Solante sa publiko na magpabakuna o magpa booster shot na sakali mang makapasok sa bansa ang mga bagong variants ng COVID-19 ay mananatili tayong protektado laban sa virus.