Iginiit ni Vice President Leni Robredo na hindi dapat isisi sa publiko ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 infection sa bansa.
Ito ang tugon ng Bise Presidente sa ilang opisyal ng Pamahalaan na ang mga Pilipino, partikular ang mga Cebuano ay matitigas ang ulo dahil sa hindi pagsunod sa health protocols.
Tingin ni Robredo, hindi tama na ibunton ang sisi sa mga tao ang paglobo ng kaso dahil “self-defeating” ito.
Para kay Robredo, importanteng makatao ang pagpapatupad ng mga polisiya.
Dapat aniya tutukan ng Pamahalaan ang public health approach sa pagtugon ng COVID-19 situation sa Cebu City.
Mas susunod ang mga tao kung ipinapaintindi sa kanila ang pagpapatupad ng quarantine policies sa halip na takutin sila.
Nagpaalala rin siya sa mga government officials na ang pangunahing layunin ng pagpapatupad ng quarantine ay tiyakin ang public safety at hindi tratuhin ang mga tao bilang problema.
Ang Cebu City ay nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang July 15.