Pagtaas ng kaso ng COVID-19, inaasahang magpapatuloy pa sa mga susunod na araw

Inaasahang magpapatuloy pa ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa mga susunod na araw.

Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasunod ng naitalang higit 10,000 na mga bagong kaso sa nakalipas na dalawang araw.

Ayon kay Vergeire, posibleng ang mga bagong kaso ay dulot ng mas nakakahawang COVID-19 deLta variant.


Aminado rin si Vergeire na mapapabagal lamang ng mga ipinatupad na mas mahigpit na lockdown ang pagdami ng kaso pero hindi mapipigilan ang pagkalat nito.

Pero sa kabila niyan, hindi pa rin idinedeklara ng Department of Health na mayroon nang community transmission ng Delta variant sa bansa.

Facebook Comments