Pagtaas ng kaso ng COVID-19, resulta ng kapabayaan – Malacañang

Iginiit ng Malacañang na ang hindi pagbalewala sa health protocols ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang sagot ng Palasyo sa apela ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na dagdagan ang COVID-19 vaccines para mapigilan ang surge ng kaso sa kanilang lungsod.

Ang Iloilo City ay nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang sa katapusan ng buwan, at nakapagbakuna na ng nasa 40,000 individuals.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang dahilan ng surge ay hindi dahil sa pamamahagi ng bakuna pero ang hindi pagsunod ng mga Pilipino sa slogan ng pamahalaan, “Mask, Hugas, Iwas.”

Kabilang din sa mga dahilan ng pagtaas ng kaso ay mga naglulutangang COVID-19 variants.

Gayumpaman, tiniyak ng Palasyo na pinalalakas ng pamahalaan ang vaccine distribution sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.

Facebook Comments