Naniniwala ang OCTA Research na may kinalaman ang kakapasok na COVID-19 XBB.1.16 o mas kilala bilang Arcturus sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa panayam ng RMN Manila kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, sinabi nitong umakyat na sa 11.4% ang seven-day positivity rate sa Metro Manila, mas mababa sa 7.5% na naitala noong nakaraang linggo.
Ayon pa kay David, may isa siyang kaibigan na nagpositibo sa COVID-19 kung saan ang iniindang sintomas nito ay pangangati ng mata.
Kaya naniniwala itong nasa National Capital Region na rin ang nasabing variant.
Facebook Comments