Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa, resulta ng expanded testing ayon sa DOH

Inaasahan na ng Department of Health (DOH) ang biglaang pagtaas ng bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ito ay dahil sa expanded testing na ginagawa ng ahensya.

Sa kabila nito, aminado ang kalihim na hindi nila maitodo ang COVID testing dahil na rin sa nararanasang global shortage sa supply ng test kits.


Sa ngayon, may nagagamit na halos 2,000 testing kits sa DOH kada linggo.

Nasa 12,000 testing kits naman mula China at 5,000 mula South Korea ang inaasahang darating sa bansa.

Facebook Comments