Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ibang lugar sa bansa, binabantayan ng IATF

Binabantayan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ibang lugar sa bansa.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, inatasan na ng IATF ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na makipag-ugnayan sa mga Local Government Unit (LGU) na may pagtaas ng mga kaso.

Aniya, nakakabahala ang ganitong sitwayson dahil tumataas din ang utilization rate ng ICU at hospital beds.


Gayunman, tumanggi naman si Nograles na sabihin ang mga lugar na may pagtaas ng kaso.

Sinabi pa ni Nograles na pinag-aaralan pa ng IATF kung irerekomenda nilang isailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) dahil masyado pa itong maaga.

Facebook Comments