Tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Region 8 o Eastern Visayas bunsod ng pagpapauwi ng Locally Stranded Individuals (LSIs).
Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer, Sec. Carlito Galvez Jr., ang 66 bagong kaso sa Region 8 ay mga LSI.
Bukod dito, nakapagtala rin ng 30 bagong kaso sa Lanao dahil sa LSIs.
Nabatid na sinuspinde ng pamahalaan ang Balik Probinsya program, isang pangmatagalang inisyatibo para sa mga residente ng Metro Manila na gustong makauwi sa kanilang mga probinsya.
Mayroon ding ipinapatupad ang pamahalaan na Hatid Probinsya program, kung saan tinutulungan ang mga LSIs na makauwi sa kanilang probinsya.
Facebook Comments