Posibleng tataas pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Quezon City.
Ito’y ayon kay Dr. Rolly Cruz ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, lalo pa’t gumagana na ang lahat ng community testing centers sa anim na distrito ng lungsod.
Aniya, ang testing ang susi sa kampanya ng Local Government Unit (LGU) sa pagtukoy, pag-isolate at paggamot sa COVID-19 positive patients habang mababawasan din ang pagkalat nito sa komunidad.
Bagama’t nag-alala si Dr. Cruz sa pagtaas ng COVID-19 cases, indikasyon daw ito na nasa tamang landas ang Lokal na Pamahalaan sa paglaban sa virus.
Kaugnay nito, plano na rin ng LGU na magtayo ng sarili nilang Polymerase Chain Reaction (PCR) laboratory at palakasin ang manpower ng QC Epidemiology Surveillance Unit para sa contact tracing.
Base sa pinakahuling datos ng QC Health Department, nasa 1,464 ang COVID-19 cases sa QC as per Department of Health (DOH) report hanggang kahapon.
Nadagdagan din ang mga gumaling na pasyente na abot na sa 292 ang kabuuang bilang.
Habang abot na sa 132 ang mga namatay.