Pagtaas ng kaso ng dengue, expected ngayong panahon ayon sa isang infectious disease expert

Hindi na nagtataka pa si Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante sa pagtaas sa kaso ng dengue na naiuulat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Paliwanag ni Solante, year in- year out ay sadyang mataas ang dengue cases lalo’t apat na serotypes ng dengue ang naririto sa Pilipinas.

Ito ay ang Dengue Virus Type 1 o DENV-1, DENV-2, DENV-3 at ang DENV-4 dahilan para mapabilang ang Pilipinas sa listahan ng World Health Organization (WHO) bilang isa sa mga bansa sa Asya na may mataas na kaso ng dengue.


Maliban dito ay nagsisilbing contributory factor ayon kay Solante sa pagtaas ng kaso ng dengue ang panahon partikular ngayong panahon na ng tag-ulan at nakadadagdag aniya ang population density.

Kaya naman payo ng eksperto, gawing prayoridad ang prevention, maglinis ng kapaligiran at agad na magpakonsulta sa mga doktor kung may nararamdaman para hindi mauwi sa kumplikasyon ang sitwasyon.

Facebook Comments