Pagtaas ng kaso ng Dengue ngayong taon, walang kinalaman sa Dengvaxia Controversy – DOH

Nilinaw ng Dept. Of Health (DOH) na ang pagtaas ng bilang ng kaso ng Dengue nitong 2019 ay walang direktang kinalamang sa Dengvaxia Controversy.

Ayon kay Health Sec. FRANCISCO Duque III, ang pagsipa ng bilang ng Dengue cases ay nangyayari kapag walang available na lunas o gamot.

Aniya ang Dengue ay isang phenomenon na sa kada tatlo hanggang limang taon ay tumataas ang bilang ng kaso nito.


Ito ang pinaniniwalaang dahilan kung bakit isinulong ng nakaraang administrasyon ang pagpapatupad ng Dengue Immunization Program.

Sa datos ng DOH, mula January 1 hanggang April 13, 2019 ay nasa 64,695 cases na ang naitala at 289 dito ang nasawi.

Facebook Comments