Bumabagal na ang pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa.
Pero nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa natatapos ang dengue epidemic sa bansa.
Sa datos ng DOH-Epidemiology Bureau, aabot na sa 249,332 dengue cases ang naitala mula January 1 hanggang August 24 kung saan nasa higit 1,021 na ang namatay.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo – ang mga kasong naitatala kada linggo ay nabawasan ngunit nananatiling nasa taas ng epidemic threshold ang 10 rehiyon sa bansa.
Kabilang na rito ang Metro Manila; Calabarzon; Mimaropa; Bicol; Western Visayas; Eastern Visayas; Zamboanga Peninsula; Northern Mindanao; Soccsksargen at BARMM.
Sinabi ng DOH na posibleng tumaas pa rin ang kaso sa Oktubre at Nobyembre lalo at hindi pa tapos ang tag-ulan.
Facebook Comments