Pagtaas ng kaso ng lagnat sa Mindanao, walang kaugnayan sa Nipah virus – DOH

Walang kaugnayan sa Nipah virus ang pagtaas ng mga kaso ng lagnat sa Northern Mindanao.

Ayon kay Department of Health-Region 10 Director Dr. Ellenietta Gamolo, nakapagtala ang rehiyon ng 18,364 na kaso ng lagnat, mula January 1 hanggang September 26 ngayong taon.

Higit na mas mataas ito kumpara sa 12,996 na kaso sa kaparehong panahon noong 2022.


Gayunpaman, sinabi ni Gamolo na ito ay mga kaso lamang ng lagnat at walang kinalaman sa Nipah virus.

Aniya, ang mga kasong ito ng maaaring kaugnay lamang sa ordinary flu o COVID-19.

Samantala, sinabi ni Dr. Stephanie Grace Zamora, DOH-10 senior medical officer, na irerekomenda niya sa mga paaralan sa lungsod na isailalim sa pagsusuri ang mga estudyanteng nakararanas ng influenza m-like illness.

Facebook Comments