MANILA – Naaalarma ang Department of Health (DOH) sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Malaria sa bansa lalo sa Palawan kung saan nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng tinamaan ng naturang sakit.Ayon kay DOH–MIMAROPA Director Eduardo Janairo, sa kabuuan ay nasa 8,000 na ang naitalang kaso sa buong bansa simula Enero hanggang Disyembre noong isang taon, 7,400 sa mga ito ay nasa palawan kabilang ang 13 nasawi.Kumpara ito sa 4,200 kaso ng malaria kabilang ang 5 nasawi sa nabanggit na lalawigan noong 2014.Simula naman Enero 1 hanggang Pebrero 19 ngayong taon ay 13 bagong kaso ng Malaria cases ang naitala ng DOH-MIMAROPA Regional Epidemiology and Surveillance Unit sa Palawan.Kabilang sa mga lugar na may mataas na kaso ang mga bayan ng Taytay; Bataraza; San Vicente at Sofronio Espanola maging sa Puerto Princesa City.Dahil dito, ipinag-utos na ni Janairo ang three-cycle indoor residual spraying operation sa lahat ng malaria endemic area sa Palawan.
Pagtaas Ng Kaso Ng Malaria Sa Palawan, Umabot Na Sa Walong Libo Ayon Ng Department Of Health
Facebook Comments