Base sa Philippine National Demographic and Health Survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority, siyam na porsyento ng mga kabataang babae na edad kinse hangang disinwebe ang nagbubuntis sa bansa.
Sa record naman ng Commission on Population and Development o POPCOM, noong 2017 ay nasa 530 teenage girls ang nabubuntis sa bansa araw araw at patuloy na tumataas ang bilang nito.
Dahil dito ay isinusulong ni senator sonny angara na mabusisi ang tumataas na child at teenage pregnancies sa bansa sa layuning mapalakas ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 o RH Law.
Sang-ayon naman si Senator Leila de Lima na maikokonsidera ng national social emergency ang pagtaas ng bilang ng mga nabubuntis na dalagita sa pilipinas kumpara sa ating mga kalapit na bansa.
Inihain din ni De Lima ang Senate Resolution No. 169 para maimbestigahan silipin ng Senado kung epektibo ba ang mga umiiral na batas, lalo na ang RH Law.
Isinulong din ni Senator Win Gatchalian ang imbestigasyon para hanapan ng hakbang na mapalakas ang comprehensive sexuality education para maiwasan ang pagdami ng mga batang tumitigil sa pag-aaral dahil sa maagang pag-bubuntis.
Kumbinsido din si Senator Risa Hontiveros na maituturing ng national social emergency na kada oras ay nasa 22 ang nagiging teenage mom sa bansa.