Walang katotohanan ang mga impormasyong dumarami ang bilang ng krimen sa panahon ng Kapaskuhan.
Batay sa datos ng Directorate for Investigation and Detective Management, umabot sa mahigit 191,000 ang krimeng naitala sa buong bansa mula Setyembre hanggang Disyembre 2016.
Pero noong 2017, bumaba na ito sa 154,000 at noong 2018 tumaas ulit ang bilang sa 163,000 ang krimen.
Sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde, ang pagbaba ng krimen ay dahil sa mas pinaigting na police visibility, anti-illegal drugs operations, at intelligence gathering.
Facebook Comments